Yes The Best NEWS ---Libreng gupit, bunot ng ngipin, school supplies, at
pagtulong sa paglilinis sa pampublikong paaralan sa Boracay ang ambag ng Metro
Boracay Police Task Force sa taunang aktibidad na Brigada Eskwela.
Dagdag pa ni Dizon, boluntaryong kontribusyon mula sa mga
pulis ang pinambili ng ibang gamit at mga kapulisan din mismo ang nanggugupit
sa mga estudyante.
Nasa mahigit 1,200 na school supplies na ang naipamigay
ng MBPTF sa dalawang paaralang ng ManocManoc at Balabag at naka-schedule naman
bukas ang aktibidad sa Barangay Yapak.
Masaya at malaki ang pasasalamat ng mga magulang at ng
paaralan ng Balabag Elementary School sa pangunguna na Teacher In-Charge Sajid
Pelayo dahil malaking tulong aniya ang ginawa ng mga kapulisan at ibang
volunteer group para wala ng abala sa paghahanda sa darating na pasukan sa
Hunyo.
Samantala, ayon sa mga guro marami ang nagsilipatan na
mga estudyante mula sa pribadong paaralan dahil sa nagpapatuloy na
rehabilitasyon ng Boracay kaya inaasahan nila na tataas ang dami ng enrollees
sa mga pampublikong paaralan sa isla.
No comments:
Post a Comment