Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Pansamantala munang pinatigil ng LGU-Malay ang pag-issue
ng Barangay Identification Card sa tatlong Barangay ng , Yapak at
ManocManoc sa isla ng Boracay.
Ayon sa Office of the Mayor, pinayuhan umano ni Mayor
Ceciron Cawaling ang mga Punong Barangay ng mga nasabing lugar na itigil muna
ang pagbibigay ng Barangay ID dahil sa nagkakagulo sa mga Barangay Hall sa
pagkuha nito.
Nitong mga nakalipas na araw kasi ay dumagsa ang ilang
residente at mga manggagawa para maka-proseso ng nasabing ID bago ang
naka-ambang pagsara ng Boracay sa Abril 26.
Mahaba ang pila at tila naghahabol sa oras ang ibang
pumunta lalo na sa Barangay Balabag at ManocManoc kung saan kahit tanghali na
ay tinitiis pa rin ang sitwasyon.
Ayon sa LGU Malay, ang pansamantalang pagtigil ng
issuance ng Barangay ID ay hakbang upang ayusin muna ang tamang proseso ng mga
taong kukuha nito.
Pinawi naman ng LGU na hindi lang Barangay ID ang pwedeng
i-presenta upang makapasok o makatawid ng Boracay dahil kahit government o
company ID basta ang address ay nasa
Boracay ay pwede itong gamitin.
Bago nito, nag-anunsyo ang Inter Agency Task Force na
pagbabawalang makapasok ang mga turista sa panahon ng closure maliban sa mga residente
at manggagawa ng Boracay.
No comments:
Post a Comment