YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 05, 2018

Mga plano na nakapaloob sa “Total Closure” ng Boracay, hinihintay na ng LGU-Malay


Posted April 5, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Hinihintay na lang ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Malay kung ano ang mga nakapaloob na plano kasabay sa pag-apruba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsara ng isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni Executive Assistant IV Rowen Aguirre sa panayam sa kanya matapos ang pag-anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na aprubado na umano ng Presidente Duterte ang pagpapasara ng Boracay sa 24th Cabinet Meeting sa Malacañang kagabi.

Ani Agurrie, hinihintay at “expected” na nila ang pag-anunsyo ng “total closure” subalit apela niya sa National Government na kung maaari ay ilatag na nila kung ano ang mga plano nito lalo na sa mga apektado sa gagawing hakbang.

Hangad umano ng bayan ng Malay na mailatag ito agad nang sa gayon ay makagawa na sila ng aksyon na ibabase rin sa ibibigay na action plan ng Inter Agency Task Force.

Kaugnay naman sa mga empleyado na posibleng mawalan ng trabaho dahil sa “total closure”, nakipagugnayan narin umano ang Department of Labor and Employment o DOLE sa kanila subalit wala pa silang kumpletong plano para rito.

Samantala, para mapaghandaan ang lahat ay balak ngayon ng LGU Malay na makipag-dayalogo sa mga stakeholders at iba’t-ibang sektor para pag-usapan ang susunod na hakbang na gagawin.

No comments:

Post a Comment