Posted January 5, 2018
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Aasahan ang pagbisita ng DTI Mobile Business Name
Registration sa isla ng Boracay sa ika-10 hanggang 11 ng Enero taong
kasalukuyan.
Layun ng rehistrasyon na ito na magbigay ng gabay para sa
mga potensyal at umiiral na MSME’s o Micro Small and Medium Enterpreneurs sa
Bayan ng Malay sa pag-renew o pag-rehistro ng kani-kanilang mga business name.
Nabatid na ang Business Name Registration ang unang
hakbang para sa isang business enterprise at masiguro ng mga may-ari nito ang
legal na pamamaraan ng paggamit ng pangalan ng kanilang negosyo.
Kaugnay nito, may nakalatag naman na mga babayaran para
sa rehistrasyong ito kalakip na rin ang mga kakailanganing Government ID’s para
sa mga may nais.
Samantala, naging daan ang Negosyo Center ng Malay sa
aktibidad na ito upang hindi mapalayo pa ang mga negosyante at makakuha na rin
ng counselling mula sa Negosyo Center Business Counselor.