Posted January 4, 2018
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection
Unit (BFP) Boracay sa nangyaring sunog sa isang staffhouse ng Chinese
Restaurant sa may Sitio Manggayad Balabag kaninang madaling araw.
Sa panayam ng himpilang ito kay Fire Officer 3 Franklin
Arubang ng BFP-Boracay, alas- kwatro y singko ng makatanggap sila ng tawag mula
sa Security Guard ng D’ Talipapa na mayroon umanong nasusunog na restaurant
malapit sa lugar.
Aniya, mabilis nilang pinuntahan ang lugar at sa kanilang
pag-responde doon ay naapula na ang sunog dahilan ginamitan ito ng fire
extinguisher ngunit minabuti parin nilang buhusan ng tubig upang masigurong
wala nang apoy.
Base sa inisyal na imbestigasyon, electrical wiring ang
tinitingnan nilang dahilan kung bakit sumiklab ang naturang sunog.
Ayon pa kay Arubang, partially damage itong nasunog na
staffhouse at nagkakahalaga naman ng
siyam na libong piso ang danyos.
Kaugnay nito, nagpa-abot ng pasasalamat ang opisina ng
BFP Boracay sa mga responders team ng BFRAV, Kabalikat Civicom at iba pang
force multipliers na tumulong.
No comments:
Post a Comment