YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 30, 2017

Community Base Monitoring System ng DILG, aprobado na ng SB-Malay

Posted August 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Aprubado na kahapon sa 29 th Regular Session ang kahilingan ni Mayor Ceciron Cawaling na magkaroon ng Memorandom of Agreement sa pagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa pag-implementa ng Community Base Monitoring System (CBMS).

Ang Community Base Monitoring System (CBMS) ay isang data base kung saan makikita o naka-rekord ang regular funds, financial plan at kung saan mapupunta ang budget at paglalagyan ng budget.

Itong usapin ay pinag-usapan noong Martes kung saan i-prenesenta dito ni Aklan DILG LGOO-5 Debra Lynn Romero sa plenaryo kung ano ang CBMS at kung ano ang maitutulong nito sa bayan ng Malay.

Samantala, sinang-ayunan naman ni Mayor Cawaling itong database monitoring dahil aniya sa paraang ito hindi na mahihirapan ang LGU-Malay at madaling matututunan ang mga opisinang nangangailangan ng budget.

Bagama’t aprubado na itong proyekto ay sa susunod pang taon ito ma-iimplementa dahil sa kulang na ang budget para sa pagpapatupad nito ngayong taon.

No comments:

Post a Comment