Posted August 29, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Ayon kay Caticlan Jetty Port Special Operation Officer III
Jean Pontero, aasahan ang pagdaong nito sa ganap na alas- syete y medya ng
umaga na tatagal hanggang alas-kwatro y medya ng hapon.
Nabatid na lulan ng barkong ito ang nasa mahigit kumulang
4,000 na karamihan ay Chinese Nationals at 2,000 mga crew members.
Napag-alamang matapos itong dumaong sa Guangzhou, China ay
dadaan muna ito sa Manila papuntang Boracay at maglalayag pabalik ng China.
Kaugnay nito, puspusan na rin ang paghahanda na ginagawa
ng Jetty Port para sa seguridad nito katuwang ang Philippine Army, Philippine
National Police, Malay Auxilliary Police (MAP), MARITIME Police, Philippine
Navy at Philippine Coast Guard kung saan nakaantabay rin ang Medical Team
kasama ang Boracay Action Group (BAG) at Red Cross.
Samantala, ito na ang pang-siyam na barkong bumisita sa
isla at inaasahan pa ang limang cruiseship bago matapos ang taong ito.
Ang Genting Dream ay dinesinyo para sa Asian cruise
market na may malaking bilang ng mga restaurants, casino at espesyal na
dinesinyong mga cabins.
No comments:
Post a Comment