Posted July 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay
Malaking hamon man ay matagumpay na nahakot at nailabas
ang tone-toneladang basura ng MRF Manocmanoc.
Bilang pasasalamat, isang salo-salo ang inihanda ni Mayor
Ceciron Cawaling sa mga tumulong na mahakot ang mga nakatambak na basura sa
Centralized MRF ng ManocManoc na halos buwan din ang inabot.
Nabatid kasi na bago ang ibinagay na deadline ng
Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Hulyo 17 ay halos
nasimot na at naitawid na ito papuntang landfill.
Ayon kay Mayor Cawaling, lubos ang kanyang pasasalamat sa
mga tumulong lalo na ang mga hauler, barge operator at iba pa para mapabilis
ang paglipat ng residual waste sa Sanitary Landfill sa Malay.
Dinaluhan naman ang matagumpay na pagsasaayos ng
Centralized MRF ng Solid Waste Management at iba pang empleyado ng LGU-Malay.
Kaugnay nito, nakatakdang magpulong si Mayor Cawaling at
mga Barangay Captain sa Boracay para sa susunod na mga hakbang na gagawin para
sa usaping basura.
No comments:
Post a Comment