Posted June 16, 2017
NI Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Nakatakdang
dumalo si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa gagawing media
forum sa probinsya ng Aklan sa Hunyo 24.
Ang pagbisita ni
Panelo ay para magbigay umano ng makasaysayang media forum sa pamamagitan ng Aklan
Press Club kung saan isa sa mga tatalakayin niya dito ay patungkol sa Martial
Law at Human Rights.
Maliban kay
Panelo, tatalakayin din ng ibang tagapagsalita ng Duterte Administration ang
tungkol sa pederalismo na pangungunahan ni DILG Undersecretary John
Castriciones at “Dutertenomics” na
ipapaliwanag ni Finance Secretary Carlos Dominguez.
Gaganapin ang
forum sa Aklan training center sa Kalibo at dadaluhan ng mga media sa Aklan,
stakeholders, at ibat-ibang mga ahensya sa probinsya.
Ang media forum
ay inorganisa para bigyang karangalan ang namayapang former Aklan Congressman
Allen Salas Quimpo.
Matatandaan na
una nang nagtungo at isa-isang nagbahagi at nagpaliwanag ng kanilang kaalaman
ang mga tagapagsalita ng Pangulo sa pederalismo dito sa isla ng Boracay noong
nakaraang taon.
No comments:
Post a Comment