Posted June 16, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Pinaghahanap
ngayon ng mga otoridad ang empleyadong tumangay ng kita ng kanilang
pinagtatrabahuhan sa Sitio Cagban Brgy. ManocManoc, Boracay.
Sumbong ng isang Assistant
Manager sa Boracay PNP, nitong Lunes umano isa sa kanilang empleyadong lalaki
ang kumolekta ng mahigit P 37,000 sa kanilang kliyente subalit sa pagbalik nito
sa kanilang opisina ay hindi nito ni-remit ang pera sa kanilang sekretarya.
Napag-alaman din
na hindi na pumasok ang suspek sa kanyang trabaho kinaumagahan ng masingil niya
ang pera.
Dahil dito,
minabuti naman ng complainant na i-report ito sa Boracay PNP upang mahanap ang
ini-rereklamong suspek.
Samanta,
nakatakda umanong sampahan ng kasong Qualified Theft ang suspetsado na
nagta-trabaho sa isang paints and hardware center.
No comments:
Post a Comment