Posted June 2,
2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Sa ginanap na 17th Regular Session nitong
Martes, nabuksan ang usapin tungkol sa naganap na shooting incident sa isla sa
gitna ng mga sekyu.
Ito ang naging laman ng Privelege Speech ni SB Dante
Pagsuguiron kaugnay sa pagkakasangkot ng mga security guards sa naturang
insidente.
Base sa datos ni Pagsuguiron, ang problema umano sa
ahensya sa Boracay ay ang kawalan ng regulasyon ukol sa Standard Operating
Procedures.
Kaugnay nito, binasa ni Pagsuguiron ang Republic Act 5487
na-ipinagbabawal ang pag-deploy ng mga security uniforms kung wala itong
clearance magmula sa PNP at pagsusuot ng uniporme nito sa labas ng area.
Dahil dito, malinaw umano na may nilabag ang security
agency sa kanilang protocol kung kaya’t nais ni Pagsuguiron na i-regulate ng
LGU-Malay ang mga security agency sa isla.
Samantala, sa huli ay napagkasunduan na ipatawag ang
Boracay Security Agency Association para sa mas maliwanagan matapos ang
insidenteng ito.
No comments:
Post a Comment