Posted May 29, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Nangangailangan umano ang Department of Education o
(DepEd) ng mas maraming guro at silid aralan sa probinsya ng Aklan.
Ayon kay Division Aklan Education Program Supervisor and
Senior High School Coordinator Jose Niro Nillasca, sa kabila ng pagkaroon ng
kapos na bilang lalo na sa mga guro ay nakahanda parin ang kanilang opisina sa
pagbubukas ng klase ngayong Hunyo lalo na sa ipinapatupad na programa ng DepEd
na K to 12.
Sa 116 na public at private na paaralan sa probinsya na
nagbibigay ng Senior High School, 75 ang public schools dito.
Kaugnay nito, ongoing na ang konstruksyon sa ginagawang
classroom ng senior high school kung saan inaasahan na kaya nitong
mag-accomodate ng 19,000 na mga estudyante na papasok sa Grade 11 at 12 ngayong
taon.
Sa kasalukuyan, ang DepEd ay may inilaang 267 slots na
para sa mga guro sa senior high school at inaasahan ni Nilasca na mapunan ito
ngayong taon.
No comments:
Post a Comment