Posted April 18, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Lumobo sa limampu’t apat na libo ang bilang ng tourist
arrival sa Boracay nitong nakaraang Holy Week.
Base sa ibinigay na datos ng Malay Tourism Office (MTOUR),
pumalo sa 54,887 ang numero ng mga bumisita sa isla sa paggunita ng Semana
Santa simula ng Abril 10 hanggang Abril 16.
Nagtala ng pinakamataas na bilang ang araw ng Maunday
Thursday o Huwebes Santo na umabot sa 13, 575 at sinundan naman ng 8,368 ng
Holy Wednesday.
Kaugnay nito, nanguna sa pinakamataas na bilang ang mga Local
tourists na piniling sa isla sulitin ang kanilang mahabang bakasyon kung saan
umabot sa bilang na 34,613, pumatak naman sa 19, 490 ang mga Foreign tourists habang
ang Overseas Filipino Workers o OFW ay nagkapagtala ng 784.
Nabatid na mas mataas ngayon ang kanilang naitalang
arrival kumpara noong nakalipas na taon na umabot lamang sa 44,786.
Inaasahan naman ang paglobo pa ng mga turista ngayong
summer season.
Magugunitang target na maabot ngayong taon ang 2Million na tourist arrival sa Boracay.
No comments:
Post a Comment