Posted April 18, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Pagkakalooban ng P100,000 ang lahat ng mga centenarians o
umabot sa isandaang-anyos.
Ang naturang benipisyo ay magmumula sa Department of
Social Welfare and Development (DSWD) alinsunod na rin sa Centenarians Act of 2016 kung saan ito ay
bahagi na rin ng pag-honor at pagbibigay ng karagdagang benepisyo at
pribilehiyo sa lahat ng mga Pilipinong umabot sa isandaan ang edad o centenarians.
Ayon kay Libny Inocencio, Social Welfare Officer I ng Provincial
Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Senior Citizens and Persons
With Disabilities (PWDs), sa ngayon ay mayroong naitalang 38 na mga centenarians
sa Aklan, mula sa 46 na nakalista kung saan ang walo ay namatay na.
Naibahagi nito na ang pinakamatandang nabubuhay sa Aklan
ay nasa 116- anyos na residente ng Bayan ng Kalibo at ang dalawa pa ay nasa
Libacao at Banga na nasa 113- anyos.
Kaugnay nito, wala pa umanong petsa kung kailan
maibibigay ang nasabing benipisyo sa mga Aklanon na may budget na nagkakahalaga
ng P36 million.
Nabatid na ang Region 6 ang nakapagtala ng may
pinakamaraming centenarians na aabot sa 360 at sinundan ng region 3 na may 342
centenarians.
Samantala, sa 17 munisipalidad sa Probinsya ng Aklan
sampu lamang sa mga ito ang nakapag-submit ng listahan ng mga centenarians na
nabubuhay sa kanilang lugar base na rin sa rekord ng PSWDO.
No comments:
Post a Comment