Posted July 7, 2017
Ni Alan C. Palma,
Sr. - YES THE BEST Boracay
Para mapag-usapan at mabigyan ng tugon ang mga hinaharap
na suliranin ng Boracay, nagsagawa ng “Boracay Business Forum” ang Office of
the Ombudsman katuwang ang PCCI-Boracay, Boracay Foundation Inc., at Lokal na
Pamahalaan ng Malay.
Naibalangkas ang pulong ng humingi ng tulong ang mga
stakeholders sa Investment Ombudsman hinggil sa mga problema ng Boracay na may
kinalaman sa industriya ng turismo tulad ng government services at
environmental issues.
Lumabas ang ganitong hinaing ng magsagawa ng assessment
ang Ombudsman Regional Office VI sa Business Permit and Licensing Office ng
Malay para sa Blue Certification Standards.
Ayon kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur H.
Carandang, ang Investment Ombudsman na itinatag noong 2014 ay layunin na
mabigyang aksyon at resulosyon ang mga daing at reklamo ng mga investors.
Sa ganitong paraan umano ay maiiwasan ang anumang klaseng
kurapsyon, red tape sa gobyerno at para maprotektahan ang interes ng mga
namumuhunan lalo na sa isla ng Boracay.
Ang forum ay hinati sa tatlong cluster kung saan sa unang
cluster ay sabay tinalakay ang mga isyu sa kalikasan, imprastraktura, at
enerhiya na nilahukan ni Mayor Cawaling at mga miyembro ng BFI at PCCI-Boracay
na isyu sa AKELCO , drainage, sewerage at kalsada ang pinag-usapan.
Samantala sa Cluster II, nagsilabasan ang mga problema sa
pagkuha ng occupancy permit, building permit, at isyu sa mga foreign tour
guides na hinarap at sinagot naman ni Malay Administrator Ed Sancho.
At ang pangatlong grupo naman ay hinarap ni Executive
Assistant IV Rowen Aguirre na tinalakay ang mga suliranin sa permit to
transport at mga sasakyan sa loob ng isla.
Bagamat naging mainit ang talakayan, iisa ang layunin ng
mga dumalo at ito ay ang maisalba ang isla sa lahat ng mga isyung hinaharap
nito.
Samantala, kasabay sa ginawang forum ay pinatawag at
pinadalo rin ng Ombudsman ang mga kinatawan ng DOT, DENR, DPWH, TIEZA, DOE,
DOTr, BIR, DTI, OMB, at mga department heads ng LGU Malay para pagpaliwanagin.
No comments:
Post a Comment