Posted July 5, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Walang kawala ang
wanted na babae na may kasong Estafa matapos itong maaresto ng mga pulis sa Balabag
Boracay kagabi.
Ang suspek ay si
Daisy Martinez y Bansalan, 28-anyos, native ng Martha, Dr. Sta. Catalina,
Zamboanga City at nanunuluyan sa Sitio Diniwid ng Barangay.
Si Martinez ay
may dalawang warrant of arrest sa kasong Estafa na inisyu nina Hon. Carlo
Martin Alacala, Presiding Judge of Municipal Trial Court in Cities, 9th
Judicial Branch 3, Zamboanga, City na may petsang November 14, 2014 at Criminal case No: 51794 at may piyansang P
10, 000.
Habang ang isa
pang warrant of arrest sa kahalintulad rin na kaso ay mula naman kay Hon.
Catherine Fabian, Presiding Judge of Regional Trial Court, 9th Judicial Region
Branch 16, Zamboanga City, na may petsang December 18, 2015.
Mayroon naman
itong siyam na Criminal Case No. kung saan nagkakahalaga lahat ng 168,000 pesos
ang piyansang inilaan dito.
Nakatakdang dalhin
ang suspek sa Zamboanga Central Police Station para sa harapin ang kaniyang
patung-patong na kaso.
Nahuli ang suspek
sa pinagsamang pwersa ng Boracay PNP, Detective Management Unit o (DMU) galing
Zamboanga Central Police Station 11.
No comments:
Post a Comment