Posted June 26, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST
Boracay
Nagsagawa ng apat
na Fisheries surveys ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa mga piling lugar
sa probinsya.
Saklaw ng
naturang surveys ang mga commercial, municipal, inland, at aquaculture fishing
operations.
Ayon kay Provincial
Statistics Officer Antonet Catubuan, ang mga nakuhang impormasyon o datos sa
mga surveys na ito ay magbibigay ng volume at halaga sa mga unloaded fish sa
iba’t-ibang landing centers lalo na rin ang volume at halaga ng mga isda at iba
pang fishery production sa aquafarms at mga
households.
Nabatid na ang
mga respondents sa naturang surveys ay binubuo ng boat operators, technician,
fisherman, trader, at may kaalaman na mga miyembro ng sample household.
Ani Catubuan,
kasama sa mga datos na nakolekta ay ang volume ng unloading sa buong landing
center at presyo ng produksyon mula sa unang benta.
Pinaaabot pa nito
sa lahat ng mga respondents sa suportahan ang data gathering na ito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga PSA’s data collectors.
Samantala,
sinisiguro naman ng Provincial Statistics Office na lahat ng mga nakuhang datos
ay konpidensyal at hindi magagamit sa taxation, investigation o law enforcement
purposes gaya ng itinadhana ng batas.
No comments:
Post a Comment