Posted June 26, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Photo Credit: LGU-Malay |
Nitong Biyernes, muling sinuyod ng licensing department
ang Balabag at ikinordon ang at isinara ang mga establisyementong nakitaan ng
paglabag.
Sa pangunguna ni Executive Officer IV Rowen Aguirre,
katuwang ang mga miyembro ng Malay Auxilliary Police (MAP) at maging ang mga
hanay ng pulis para sa assistance ay naipasara ang mahigit sa 20 estblisyemento
na patuloy na nag-ooperate sa kabila ng notice of violation na natanggap.
Magugunitang nito lamang nakalipas na mga linggo ay
nagsagawa rin ng ganitong hakbang ang LGU-Malay kung saan ayon kay Aguirre,
hindi sila titigil hangga’t hindi nauubos ang mga lumalabag sa batas.
Dagdag pa nito, nabigyan naman ng kaukulang notice of
violation ang mga napabilang sa closure na tanda ng maaring pagsasara ng
kanilang mga establisyemento.
Samantala, nabatid na permanente man o temporaryo ang
isang itinatayong istraktura ay mahigpit pa ring ipapatupad ang pagkuha ng
permit base na rin sa ordinansa.
No comments:
Post a Comment