Posted July 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Photo Credit Rb Bachiller |
Sumailalim ngayon
sa Memorandum of Agreement o (MOA) signing sa pagitan nina Yapak Brgy. Captain Hector Casidsid at BAG
Consultant Leonard Tirol ang gagamiting Outpost ng Maritime Police sa nasabing
lugar.
Inimbitahan din
ang ilang miyembro ng BAG at Baranggay Council ng Yapak kasama si Special
Assistant to the Mayor Rowen Aguirre para saksihan ang kasunduan.
Pinagusapan din
ang pagtalaga o deployment ng Maritime Group sa Sitio Ilig-iligan para sa
seguridad at kalinisan ng lugar.
Ang operational
expenses ay susupotahan ng LGU kasama na ang bayarin sa kuryente, tubig at
radio communications equipment.
Nabatid na dating
Tourism Information Office ang gagamitin na outpost kung saan ito ay nasa
bukana ng Puka Beach na unti-unti nang dinadagsa ng mga bumibisitang turista.
Ang inisyatibo na
ito ay isang paraan para sa dagdag na seguridad ng Boracay pagkatapos ng mga
serye ng pag-atake sa ilang lugar sa ibang bahagi ng mundo lalo na sa mga tourist destination.
No comments:
Post a Comment