Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ibinalik ngayon ang
aplikasyon ng SMI Development Corporation sa pagkuha ng permit para sa construction
ng Docking Facility sa Punta Bunga sa isla ng Boracay.
Ito ay para
pag-aralang muli sa mga dapat na i-proseso sa pagkuha ng permit para
ma-aprobahan ang kanilang kahilingan.
Nabatid na ito
ang request ng SMI Development Corporation kay Aklan Governor Joeben Miraflores
at sa Sangguniang Panlalawigan ng probinsya.
Sa panayam ng
himpilang ito kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, nag-pulong na umano
sila para tingnan ang mga dokumento at mga requirements ng SMI bago nila ito
bigyan ng permit.
Nabatid na nais
ng kahilingang ito ay para sa direktang pag-transport ng kanilang mga bisitang
magbabakasyon sa isla ng Boracay.
Samantala, sinabi
naman ni Maquirang na hindi nila pinapayagan na mag-direct ang mga guest na
bisita sa kanilang hotel na hindi dumadaan sa Caticlan Jetty Port kung saan magiging
unfair daw umano ito sa mga turistang kumukuha
ng Environmental Fee.
Kaya naman isa
ito sa mga nakikitang dahilan ni Maquirang na hindi muna bigyan ng permit ang
naturang construction sa lugar.
Samantala, mahigpit
parin nitong ipinapatupad ang “one entry” “one exit” policy sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment