Posted December 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nais umano ngayon
ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan na magkaroon ng akreditasyon sa International
Organization for Standardization (ISO).
Ito ang sinabi ni
Bise Gobernador Reynaldo Quimpo, kung saan nakikipag-koordinasyon na umano sila
sa Anglo Japanese American, na siyang kinatawan ng ISO, para sa kaukulang requirements.
Nabatid na ang
kanyang asawa na dating Bise-Gobernador na si Gabrielle Calizo-Quimpo, ay
inaayos na ang tungkol sa pagsunod sa nasabing regulasyon.
Sa kabilang dako
naman, bilang bahagi sa pagbibigay ng mas magandang serbisyo, ang nakatakdang magtayo
ng bagong gusali ang Provincial Board.
Kung kaya’y hinikayat
ni Quimpo, ang lahat ng media sa Aklan na makibahagi sa lahat ng proyekto tungo
sa malinis na pamumuno ng Gobyerno.
No comments:
Post a Comment