Posted December 28, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Kaya naman may nakalatag ng preparasyon ang Municipal
Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Malay para dito upang
maiwasan ang pahabaang pila sa pagkuha ng ticket, ito’y sa kabila ng bagyong
nagdaan nitong mga nakaraan sa probinsya.
Sa interview ng himpilang ito kay Catherine Ong Fulgencio
ng MDRRMO Malay, naka-activate na umano ang mga ahensya ng CAAP-Airport para sa
mga magbabakasyon sa isla ng Boracay.
Aniya, meron na umano silang guidelines para sa mga
pupunta ng isla kung saan nakapaloob umano rito na dapat maging handa sila sa
anumang posibleng mangyari, isa na dito na dapat muna nilang i-check ang
weather update sa PAG-ASA o makinig ng balita kung may bagyo ba o wala ng sa
gayon ay hindi sila ma-stranded sa mga lugar na kanilang pupuntahan. At tingnan
rin umano ng mga pasahero ang kanilang ticket na binili upang hindi na sila
maabalang bumalik sa ticket booth lalo na sa mga turistang kailangang kumuha ng
environmental fee.
Kaugnay nito, nakahanda na rin ang Caticlan at Cagban
Port para sa mga uuwi at pupunta ng Boracay kung saan sinabi naman ni Special
Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, na may Command Post o
Assistance Desk na silang nakalagay para sa mga pasaherong may mga complaint o
mga katanungan.
Naka-antabay dito ang Coast Guard, mga kapulisan at iba
pang mga ahensya na malaki ang responsibilidad sa kasagsagan ng holiday season.
Samantala, okay naman umano ang kanilang operasyon sa mga
pantalan sa kabila ng pagdagsa ng mga turista sa isla.
No comments:
Post a Comment