Posted December 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Boracay PNP |
Mahigpit ngayon ang ginagawang inspeksyon ng mga kapulisan
sa mga nagbibinta ng paputok sa isla ng Boracay.
Ito’y kaugnay parin sa “Ligtas Kapaskuhan 2015” kung saan
ipinagbabawal ang pagbibinta ng mga paputok na walang permit at ang mga
ipinagbabawal na fire crackers.
Katuwang mismo ni PSI Fidel Gentallan OIC ng BTAC sina
PSSUPT Alfredo Valdez ng DRDO, PSUPT Pedro Enriques ng DPDA, PSUPT Gaylord
Loyola ng DPDPO sa pag-iinspkesyon sa mga tindahan ng paputok sa So. Bantud,
Brgy Manocmanoc, Boracay.
Nabatid na mahigpit na ipinagbabawal ng mga otoridad ang
paggamit ng paputok sa isla dahil na rin sa mga dikit-dikit na kabahayaan na
maaaring magresulta ng sunog.
Sa ngayon mahigpit naman ang paalala ng Boracay PNP at ng
Boracay Fire Station Unit sa mga residente sa ila na iwasang gumamit ng mga
paputok upang malayo sa disgrasya.
Samantala, pinayuhan din ng mga ito ang publiko na
gumamit nalang ng mga maiigay at ligtas na bagay lalo na sa mga kabataan sa
pagsalubong sa bagong taon.
No comments:
Post a Comment