Posted December 29, 2015
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ini-reklamo ng may-ari at ng manager ng isang
establiyemento sa Boracay ang dalawang cashier matapos na hindi i-remit ng mga
ito ang kanilang kinitang pera.
Sa report ng Boracay PNP, nagkikwenta umano ang may-ari
kasama ang manager nito ng kanilang paninda kung saan laking gulat nalang ng
dalawa na nagkulang sila ng mahigit sa P227, 556.
Dito, napag-alaman na hindi pala inire-remit ng dalawang cashier na sina
certain “nel” at “rel” ang kanilang benta araw-araw na umabot sa nasabing
halaga.
Agad namang hinuli ng mga pulis ang dalawang suspek at
ngayon ay pansamantalang naka-kustudiya sa Boracay PNP para sa karampatang
disposisyon.
No comments:
Post a Comment