YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label DTI Aklan. Show all posts
Showing posts with label DTI Aklan. Show all posts

Friday, January 04, 2013

Helmet na may ICC sticker na nasa 9,000 na --- DTI Aklan


Umabot halos sa 9,000 na helmet ng mga motorista sa Aklan ang pakapasara sa pagsusuri ng DTI at natatakan ng ICC Sticker.

Pero kung ikukumpara ayon kay DTI Aklan Director Diosdado Cadena sa bilang na nakarehistro ngayon sa Land Transportation Office (LTO) Aklan na may labin apat na libo at pitong daan motorsiklo.

Kaya mas marami pa rin ang hindi nagsuri ng kanilang helmet kaysa sa nagpatatak sa DTI.

Nasa 30% lamang kasi ang mayroong ICC Sticker na sa ngayon at may pitongpung pursiyento pa ang wala.

Bagay na hindi naman umano malaman ng DTI kung bakit hindi nagpakita sa tanggapan nila ang 70% na ito para nagpa-inspeksiyon ng helmet.

Nabatid mula kay Cadena na mahigit pitong libo at walong daang helmets ang natatakan na nila na Import Commodity Clearance (ICC) Sticker.

Habang isang libo at isang daan naman ang mayroon ng ICC na agad ng binili ng mga may-ari bago ipa-inspeksiyon sa DTI.

Umabot naman sa mahigit limang daan ang hindi na pumasa pa sa helmet standard kaya hindi na inaprobahan ng ahensiyang ito.

Ito ay sa ginawang pagsi-sertipiko ng DTI Aklan sa mga helmet kung ligtas pa ba itong gamitin ng mga motorista at sa mga angkas ng mga ito.

Ganoon pa man, bahala na umano ng LTO sa mga hindi nagpasuri ng kanilang helmet dahil may alituntunin ding sinusunod ang LTO para sa mga mahuhuling motorista na walang ICC sticker ang helmet.

Samantala, sa kasalukuyan ay hindi na tumatanggap pa ng mga ipapa-inspeksiyon na helmet ang DTI Aklan matapos na magdeadline sila noong ika-29 ng Disyembre taong 2012 na sinimulan naman noong Hulyo ng nasabing taon din. 

Friday, December 28, 2012

DTI Aklan, nagpa-alala sa deadline ng pag-iinspeksyon ng helmet ngayong araw


Hanggang ngayong araw na lamang, araw ng Biyernes, ika-28 ng Disyembre, ang deadline sa gagawing pag-inspeksiyon at paglalagay ng ICC stickers sa mga helmet ng motorsiklo.

Kaya sa mga nais humabol, mariing pina-alalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga motorista sa Aklan na may huling araw pa sila ngayon para magpa-inspeksiyon ng kani-kanilang helmet.

Ito ay sa kabila ng pagiging abala umano ng DTI sa panahong ito dahil sa price monitoring na gagawin nila sa mga Noche Buena products at kapag magpatupad ng price freeze sa bayan ng Kalibo.

Sinabi ni DTI-Aklan Director Diosdado Cadena na malugod pa rin nilang tatanggapin sa opisina ng DTI ang mga nais magpainspeksiyon ng helmet para magkaroon ng tatak at ICC Stickers.

Dahil sa mga panahon ito, wala umanong  abiso sa kanila ang DTI national office na magkakaroon pa ng extension sa muling pagbabalik mula sa bakasyon ng mga empleyado sa Enero sa susunod na taon.

Muling ipina-alala nito na hanggang ngayong alas singko na lamang ng hapon ang kanilang tanggapan dahil ang susunod na mga araw ay New Years break na. #ecm122012