YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, July 27, 2012

Mga katutubong pakalat-kalat sa Station 3, aaksiyunan ng LGU Boracay


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Nangako si Island Administrator Glenn SacapaƱo na a-aksiyunan nila ngayong araw ang reklamo ng isang resort sa Station 3 na umano ay isang grupo ng mga katutubo ang umaakupa sa harap ng isang bankante lote sa front beach, at doon na naglatag ng kanilang barong-barong.

Ayon kay SacapaƱo, ang bagay na ito ay pagtutulungan nilang ayusin ng Municipal Social Worker ng Malay.

Sapagkat wala naman aniyang batas na nagbabawal sa mga katutubo na magpunta sa Boracay at basta lamang itaboy.

Subalit ang pinagtataka ngayon ng administrador kung at papano nangyari na nakapaglatag ang mga ito ng kanilang pansamantalang barong-barong sa front beach.

Sa ulat, di umano ay nagkakalat at nagdudumi ang mga katutubong ito sa area na tinutukoy na di umano ay nakikita rin ng mga turista ang kanilang ginagawa sa araw araw at maging ang mga dayuhan ay nagbabahala na rin para sa mga ito.  

No comments:

Post a Comment