Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Hindi na dapat ikagulat pa sa Boracay kung mag-isyu man ng
Land Transportation Office o LTO Temporary Operator's Permit (TOP) ang isang miyembro
ng Malay Auxiliary Police MAP at Pulis dahil sa paglabag sa batas trapiko sa
isla.
Ito ay dahil na-deputize na ang ibang miyembro ng MAP at pulis
kaya anumang oras ay maaari na nilang ipatupad ang nasyonal na batas sa kalye o
trapiko sa paraan ng paghuli sa lumalabag.
Kinumpirma din ni Island Administrator Glenn Sacapaño, na anumang
oras oras ay pwede nang mag-isyu ng violation ticket o TOP ng LTO ang MAP at pulis dito, lalo na
ang pagkumpiska sa mga drivers license.
Subalit nilinaw ni Sacapaño na ang drivers license na makukumpiska
ay ipinapadala sa bayan ng Kalibo at doon dapat bayaran ang violation na nagawa
maging ang pag-release sa mga lisensiyang ito.
Hiniling naman si Sacapaño na ngayong deputize na ng LTO ang
pulis at MAP sa isla, dapat ay mainitindihan din ng publiko sa Boracay ang
batas trapiko at sundin ito upang wala nang argumento kapag nahuli.
Dapat may mga sapat na kaalaman ang mga DEPUTIZE na yan hioindi ung pinipili lang nila ung mga huhulihin nila ska dapat alam din nila kung ano ung mga violataion ng mga mahuhuli nila. Napansin ko lang kasi na ung mga DEPUTIZE na yan ang yayabang daig pa nila ang mga LTO sa Central kung umasta eh wla nmn silang ibubuga...
ReplyDelete