YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 12, 2011

Rally laban sa Casino, isinulong ng Simbahang Katoliko sa Boracay

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Sinimulan na kahapon ng simbahang Katoliko sa isla ng Boracay ang isang panawagan kontra sa Casino dito.

Ayon kay Reverend Father Adlai Placer, kura paroko ng nabanggit na simbahan, isang prayer rally ang ilulunsad dito bilang pagpapakita ng pagtutol sa pagpasok o pag-iistablisa ng sugal sa isla.

Ang nasabing rally ay matagal na rin umanong gustong ilunsad ng kumunidad, kasama ang iba pang sektor na tumututol dito.

Naninindigan umano ang simbahan na ang mga ganitong uri ng gawain ay nakakasira sa imahe ng Boracay, bilang isang family tourist destination.

Iginiit pa nitong ang sugal ay hindi para sa pamilya at hindi na umano ito kailangan ng Boracay upang magkaroon ng maraming turista.

Kasama ang ilan pang simbahang protestante, stakeholders at mga Boracaynon, gaganapin ang nasabing rally sa a trenta ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Samantala, nanindigan naman ang Sangguniang Bayan ng Malay, na bagamat nirerespeto ng mga ito ang karapatan ng mga nasa oposisyon, ay hindi nagbabago ang kanilang disposisyon na ituloy ang pag indorso sa nasabing sugal sa isla.

No comments:

Post a Comment