Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Walang pang opisyal na pahayag ang Boracay Foundation Incorporated kung makikilahok sila sa gaganaping malawakang kilos protesta laban sa casino na pangungunahan ng Simbahang Katoliko na gaganapin sa darating na ika-tatlumpu ng Hulyo.
Sa panayam kay Jony Salme, pangulo ng BFI, sinabi nitong malinaw naman ang katayuan nila ukol sa isyu na ayaw ng mga stakeholders na magkaroon ng casino sa Boracay base na rin sa board of directors ng naturang organisasyon.
Subalit pagdating sa gagawing rally, hindi pa umano ito makapagbibigay ng katayuan ng buong BFI dahil hindi pa nila napag-uusapan ang ganitong isyu.
Gayun pa man, naniniwala si Salme na bilang stakeholder at mga indibidwal ay posible umanong makilahok ang ilang miyembro nila sa gagawing kilos protesta.
No comments:
Post a Comment