YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 01, 2019

Phase II ng Project BeSST ng PNP, tututok sa Traffic Management

Posted April 1, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 1 person, outdoor
Photo (c) Project BESST Page

Matapos ang matagumpay na Phase I na tinaguriang “Battle of the Front Beach”, ngayong Abril ay ikinasa na ng Malay PNP at Task Force ang Phase II ng Project BESST o Boracay Enhanced Security Strategy and Tactics.

Sa panayam kay Malay PNP Chief PSI Jose Mark Anthony Gesulga, ang Phase II ay tututok sa traffic management at pagdisiplina sa mga drivers.

Ani Gesulga, ang implementasyon ay sisentro sa loading/unloading, parking, at pag-check sa mga dokumento tulad ng driver’s license kasama na ang PTP (Permit to Transport) ng sasakyan at LTO Registration.

Ang mag-iiwan ng mga sasakyan sa mga non-designated parking areas o sa gilid ng kalsada ay hahatakin din ng mga enforcers alinsunod sa Traffic Ordinance No. 342

Maliban sa mga nabanggit, ayon kay Gesulga, ang pagtanggi at hindi pagpapasakay ng pasahero ng mga drivers sa pampublikong sasakyan ay isa rin sa kanilang pakatutukan.

Ayon kay Gesulga, inaantay na lang nila ang mga traffic signages na mailagay para malaman ng mga motorista ang mga designated traffic loading and unloading areas.

Samantala, kaninang umaga sa pagsisimula ng operasyon, pinulong ni PSUPT Ryan Manongdo ng Metro Boracay Police Task Force MBPTF ang composite enforcers na MAP, TREU, Beach Guard, at mga pulis na siyang pagsasamahin upang ipaalam sa kanila ang mga gagawin sa paghuli ng mga violators.

Nagpasalamat si Manongdo sa mga enforcers dahil hindi raw maisakakatuparan ang Phase II kung hindi naging matagumpay ang Phase I.

Katunayan, sa kanilang datos simula February 21 hanggang March 25, nasa 601 violators na ang naisyuhan ng citation ticket ng ilunsad ang “Battle of the Front Beach” kung saan 24.16% dito ay local violators habang 75.84% naman ay ang turista.

Dahil dito ay nakalikom sila ng kabuuang P 771,000 mula sa mga penalidad na gagamitin sa ibang proyekto at para mapondohan ang gastusin sa Phase II ng Project BESST na tinaguriang "Battle of the Mainroad".

Monday, March 25, 2019

Cocaine at Shabu nasabat sa ginawang Buy Bust Operation ng Malay PNP

Posted March 25, 2019
BORACAY ISLAND- Kalaboso ngayon ang isang Club DJ matapos itong mabilhan at makuhanan ng ipinagbabawal ng droga sa ginawang buy-bust operation ng Malay PNP kaninang madaling-araw sa Sitio Sinagpa, Balabag isla ng Boracay.

Image may contain: 1 person, standingAng suspek ay kinilalang si Rueben Mendoza y Makalintal alyas “Rio Mendoza”, 36-anyos ng Quezon City at pansamantalang naninirahan sa naturang na lugar.

Sa spot report ng Malay PNP, nabilhan si Mendoza ng isang sachet ng shabu kapalit ng P 1,100 ng poseur buyer na isang pulis.

Maliban dito, nakuha rin posesyon at kontrol ng suspek ang dalawa pang sachet ng suspected shabu at tatlong sachet ng suspected cocaine.

Ayon sa bagong upo  Chief of Police ng Malay PNP na si PSI Jose Mark Anthony Gesulga, nasa drug watchlist ang suspek at matagal na itong minamanmanan ng mga otoridad.

No photo description available.
Photo (C) Malay PNP
Sa pahayag pa ni Gesulga, maliban sa pagiging user, mga foreigner ang kadalasang parokyano o pinagbebentahan ng suspek.

Dagdag pa nito, ang mga cocaine na nasabat sa suspek ay posible umanong galing pa ng Maynila.

Kaugnay nito, ibenyahe na papuntang Iloilo ang suspek para sa drugtest at para i-sumite sa Regional Crime Laboratory Office-6 ang mga nakumpiskang illegal drugs.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drug Act of 2002.


Wednesday, March 20, 2019

SB Malay, aalamin ang kalagayan ng mga “Kabog” sa Boracay

Posted March 20, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Photo (C) FFF Boracay
Magpapatawag sa susunod na linggo ng Committee Hearing si Sangguniang Bayan Member Nenette Aguirre-Graf para pag-usapan ang kritikal na kalagayan ng mga “fruit bats” o kabog sa Yapak Boracay.

Nababahala si Graf sa kumukunting populasyon ng tinaguriang flying farmers o kabog dahil sa lumiliit nilang habitat area sa lugar.

Ayon pa sa konsehala, ikina-alarma rin ito ng Friends of Flying Foxes o FFF dahil kapansin-pansin na hindi na ganoon karami ang numero na dati ay umaabot sa libo-libo na nakakumpol at nagsisiliparan sa buong isla ng Boracay.

Iginiit nito na nakakalungkot na hindi pa rin alam ng ibang tao ang kahalagahan ng kabog sa isla na siyang tumutulong para ma-preserve ang gubat at nagpaparami ng punong kahoy doon.

Ayon sa Friends of Flying Foxes o FFF, ang mabilis na development sa Yapak at ibang bahagi ng isla ang isa sa nakikitang dahilan kung bakit nagsisilayasan na ang mga fruit bats.

Hindi rin daw malayo na pati ang mga unggoy sa lugar ay mawawalan na rin ng matitirhan kung magtutuloy-tuloy ang pagwasak sa kagubatan dahil sa mga developments.

Sa kanilang obserbasyon, nasa “critical habitat” at “endangered” na ang specie ng kabog na ito na kung tawagin ay Golden Crowed Flying Fox (Acerodon jubatus).

Kaugnay nito, tatalakayin itong usapin ng Committee on Laws, Ordinances, Rules and Privileges na pinamumunuan ni SB Jupiter Aelred Gallenero, Committee on Environmental Protection na hinahawakan ni SB Nenette Graf at Committee On Tourism Industry, Trade, Economic Enterprise and Cooperatives SB Dante Pagsuguiron.

DENR Task Force tinibag ang isang resort sa Boracay

Posted March 19, 2019


Image may contain: 1 person, eyeglasses and stripesBoracay Island - Pwersahang pinasok at tinibag ng DENR Task Force ang harapang bahagi ng Boracay Plaza Resort kaninang umaga matapos umanong hindi boluntaryong nag-demolish ng kanilang istrakturang lumabag sa 25+5 easement rule.
Bago nito, ayon sa DENR ay binigyan na nila ng sapat na panahon ang nasabing resort na sumunod sa kautusan at sa katunayan ay binigyan na raw nila ito ng 15-day ultimatum to self demolish noong Marso 4.

“Of all the 10 establishments na binigyan ng ultimatum, sila na lang ang hindi sumunod, so what we did is to do a forcible demolition” pahayag ni task force General Manager and DENR Director Natividad Bernardino.

Paglilinaw ni Bernardino, ang siyam na iba pang nabigyan ng kahalintulad na ultimatum ay nagtitibag na at ang iba naman ay nakapag-comply na.

Bagamat nasa 50% pa lang umano ang compliant sa road at beach easement rule sa buong Boracay, umaasa ito na makumpleto nila ang rehabilitasyon bago mapaso’ ang Executive Order ni Duterte sa May 2020.

Samantala, sinubukan ng himpilang ito na makuha ang panig ng may-ari ng hotel subalit wala ito sa isla.

Ang demolisyon kaninang umaga ay pinangunahan ni Bernardino katuwang sina PNP Provincial Director SPSUPT Malapaz, Malay Acting Mayor Abram Sualog, mga representante mula sa DILG, DOT, at mga enforcers.

Monday, March 18, 2019

Dalawang Water Company sa isla, hinikayat ang publiko na magtipid ng tubig dahil sa Dry Spell

Posted March 18, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 4 people, people smiling, people standingDahil ramdam na ang El NiƱo sa bansa, hinikayat ngayon ng dalawang water provider na Boracay Island Water Inc. at Boracay Tubi System Inc. ang publiko na magtipid ng tubig kahit na wala namang nararanasang water shortage sa bayan ng Malay.

Sa panayam kina Jojo Tagpis, Operations Manager ng Boracay Tubi at BIWC General Manager Mabelle Amatorio, “sufficient” pa naman umano ang level ng tubig sa Nabaoy River at wala pang dapat ikabahala.

Lumabas kasi sa El Nino Advisory ng PAGASA na napasama ang probinsya ng Aklan sa makakaranas ng dry spell o tuyo at maalinsangang panahon na magtatagal hanggang buwan ng Hunyo na posibleng magdulot ng krisis sa tubig.

Ilan sa mga ibinahaging paghahanda ng dalawang kompanya ng tubig ay ang paglalabas ng tips para sa maayos na paggamit ng tubig at close monitoring sa Nabaoy River at Putol River sa Caticlan.

Sa pahayag ng Boracay Tubi, nasa 8-million liters per day ang sinusuplay nilang tubig sa Boracay habang umaabot naman sa 13-million liters per day sa panig ng BIWC.

Samantala, ayon kay Catherine Ong ng MDRRMO, sa kanilang monitoring ay hindi maipagkakaila na bumaba ang lebel ng tubig sa Nabaoy River kaya mas mainam na mapaghandaan ito ng maaga katuwang ang lahat ng water providers kasama na ang Malay Water District sa mainland.

Malaking hamon aniya ito dahil super-peak season na sa Boracay at mataas ang demand ng tubig sa turista maliban pa sa pang-araw araw na gamit ng mga residente.

Sa huling kalatas ng PAGASA, nasa sampung probinsya na ngayon ang nakakaranas ng “drought” habang apatnapu’t isa naman kabilang ang Aklan ang napabilang sa mga probinsiyang may “dry spell”.