YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 20, 2019

DENR Task Force tinibag ang isang resort sa Boracay

Posted March 19, 2019


Image may contain: 1 person, eyeglasses and stripesBoracay Island - Pwersahang pinasok at tinibag ng DENR Task Force ang harapang bahagi ng Boracay Plaza Resort kaninang umaga matapos umanong hindi boluntaryong nag-demolish ng kanilang istrakturang lumabag sa 25+5 easement rule.
Bago nito, ayon sa DENR ay binigyan na nila ng sapat na panahon ang nasabing resort na sumunod sa kautusan at sa katunayan ay binigyan na raw nila ito ng 15-day ultimatum to self demolish noong Marso 4.

“Of all the 10 establishments na binigyan ng ultimatum, sila na lang ang hindi sumunod, so what we did is to do a forcible demolition” pahayag ni task force General Manager and DENR Director Natividad Bernardino.

Paglilinaw ni Bernardino, ang siyam na iba pang nabigyan ng kahalintulad na ultimatum ay nagtitibag na at ang iba naman ay nakapag-comply na.

Bagamat nasa 50% pa lang umano ang compliant sa road at beach easement rule sa buong Boracay, umaasa ito na makumpleto nila ang rehabilitasyon bago mapaso’ ang Executive Order ni Duterte sa May 2020.

Samantala, sinubukan ng himpilang ito na makuha ang panig ng may-ari ng hotel subalit wala ito sa isla.

Ang demolisyon kaninang umaga ay pinangunahan ni Bernardino katuwang sina PNP Provincial Director SPSUPT Malapaz, Malay Acting Mayor Abram Sualog, mga representante mula sa DILG, DOT, at mga enforcers.

No comments:

Post a Comment