YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 12, 2016

Mga nanalo sa eleksyon sa Aklan Province, na-iproklama na

Posted May 12, 2016

Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Photo Credit by: PIA Aklan
Sa kabila ng paghintay sa mga transmission ng labing pitong munisipalidad ng probinsya ng Aklan na-iproklama na kahapon ang mga nanalong kandidato sa provincial level ng Comelec Aklan dalawang araw matapos ang eleksyon.

Sa panunguna nga ni Atty. Roberto Salazar Provincial Election Supervisor II, Atty. Maya Bien Mayor-Tolentino, at Deped Schools Division Superintendent Dr. Jesse Gomez na-iproklama ang mga kandidatong nanalo sa probinsya.

Sa kabuuang resulta ng Comelec Aklan ang nanalo sa pagka-Congressman ay si Carlito Marquez at sa Gobernador naman ay si Joeben Miraflores habang ang Bise Gobernador ay si Atty. Boy Quimpo.

Samantala ang nanalo naman sa Sangguniang Panlalawigan sa Eastern side ay si Ampod Neron, Soviet Russia Dela Cruz, Lilian Quimpo-Tirol, Harry Sucgang at Atty. Emmanuel Nolly Sudosta habang sa Western side naman ay si Ramon “Andoy” Gelito, Engr. Miguel Miraflores, Jay Tejada, Esel Flores at Nelson Santamaria.


Nabatid na una ng sinabi ni Salazar na may technical problem ang transmission kaya hindi agad na-receive nito ang resulta ng botohan sa mga munisipyo dahilan para tumawag pa ng technician galing sa Bacolod.

Samantala makalipas nito ay agad namang naayos ng technician ang problema kung saan una ng ginawan ng paraan ng Provincial Board of Election (PBOC) ang opsyon nila na i-upload ang mga CD’s na kopya ng Municipal Board of Election (MBOC).

Session ng SB Malay balik na sa normal ngayong Martes

Posted May 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for SB SESSIONMatapos ang ilang linggong pamamahinga ng mga SB members sa Session na kumandidato sa bayan ng Malay sa naganap na halalan ay magbabalik na ito sa normal ngayong Martes.

Ito ang naging pahayag ng Sangguniang Bayan ng Malay Office sa kakatapos lamang na eleksyon nitong Lunes Mayo 9, 2016.

Sa Mayo 17 ay muling magkikita ang mga SB members kasama ang mga hindi pinalad nitong eleksyon at ang matatapos na sa kanilang termino.

Nabatid na dalawang linggong walang session ang SB Malay bago ang nasabing halalan para mabigyang daan ang mga ito sa pangangampanya.

Dahil dito inaasahang mapag-uusapang muli ang mga nakabinbing usapain para sa nasabing bayan gayundin ang pamamaalam ng mga hindi pinalad na muling maluklok sa pwesto.

Samantala, sa pagbabago ng pamahalaan ngayong Hunyo ay iba na ang uupong Mayor sa Malay gayundin sa pagka Vice-mayor habang sa konseho naman ay bubuuin ito ng walong konsehales kung saan tatlo sa mga ito ay baguhan at ang isa ay nagbabalik at ang apat naman ay muling na elect.

Driver ng isang travel and tours, ini-reklamo ng turista

Posted May 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

Image result for police blotterIni-reklamo ng turista ang driver ng isang travel and tours matapos umano itong pagsalitaan ng hindi maayos sa Brgy. Balabag, Boracay.

Sa report ng nag-rereklamo na si Jacob Vasquez 53-anyos sa Boracay PNP, naglalakad umano sila ng kanyang pamilya sa lugar ng businahan sila ng isang van na minamanihu ng driver kung saan tumabi naman umano ang mga ito.  

Ngunit, sinasabing panay parin umano ang busina ng driver sa kanila kung saan ng papalapit na ito sa kilid ng kalsada ay bumaba umano ang nasabing driver at sinabihan sila na kanina pa umano ang busina nito pero hindi sila tumatabi.    

Nabatid na nagkasagutan pa umano ang mga ito dahil sa nangyaring insidente dahilan para ireklamo ng biktima ang suspek sa kanyang pinag-tatrabahuhan at sa Boracay PNP.

Pagputol ng punong kahoy ipinaliwanag ng PENRO Aklan

Posted May 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for pag-putol ng punong kahoyTalamak ngayon ang pagputol ng mga punong kahoy sa ibat-ibang lugar sa bansa maging sa probinsya ng Aklan.

Dahil dito ipinaliwanag ngayon ng Provincial Environment and Natural Resources na ang pagputol ng kahoy na walang permit to cut’ at ‘transport’ mula sa DENR o maging sa iyong sariling lugar ay kinokonsidirang illegal logging.

Ayon kay Assistant Public Information Officer Marlon Vidal, ng DENR-Provincial Environment and Natural Resources Aklan, importante ang pagkuha ng permit mula sa DENR kahit ito ay sarili mong tanim para hindi ka makasuhan ng illegal logging.

Sinabi nito na kailangan lamang sa pagkuha ng ‘pemit to cut’ ay authenticated tax declaration, sketch map na may technical description, barangay certification na nagpapatunay na ang punong puputulin ay pasok sa lugar ng may-ari, at letter of consent na naka-address sa DENR-PENRO Aklan.

Wednesday, May 11, 2016

Eleksyon sa probinsya ng Aklan, naging mapayapa—APPO

Posted May 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for appo aklan“Peaceful” umano ang kabuuang resulta pagdating sa seguridad sa kakatapos lamang na National at Local election sa probinsya ng Aklan.

Ito ang sinabi ni Public Information Officer PO3 Nida Gregas, kung saan wala naman umanong mga naitalang malalaking insidente na naipa-record sa himpilan ng pulisya sa labing-pitong munisipalidad sa Aklan noong eleksyon.

Sinabi pa nito na kahit nagkaroon ng aberya ang ibang mga VCM o Vote Counting Machine sa ibat-ibang lugar sa Aklan ay hindi naman umano ito nag resulta ng kaguluhan sa mga botante dahil sa maayos na pagbabantay ng maga pulis.

Samantala, maituturing namang “most peaceful” ang eleksyon ngayon taong 2016 hindi katulad noong nakaraang eleksyon ng 2013 na merong may mga naitalang kaguluhan.