YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 24, 2014

Konkretong harang sa drainage ng D’mall, di parin natatanggal

Posted July 24, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Hindi pa natatanggal ang konkretong harang sa drainage ng D’mall.

Ito ang sinabi ni Engineer Raymundo Gonzales kaugnay sa naranasang pagbaha sa pangunahing shopping destination sa isla ng Boracay nitong mga nakaraang linggo.

Ayon kay Gonzales, may dalawang concrete column ang inilagay sa nasabing drainage kung kaya’t hindi rin makalabas ang tubig mula rito derecho sa tinatawag na existing out flow ng tubig-ulan.

Ayon naman kay Malay Municipal Engr. Elizer Casidsid, bahagi ng ipinatayong gusali ng dalawang establisemyento doon ang nasabing concrete column o haligi.

Magkaganon paman, tumanggi na ring magbigay pa ng pahayag tungkol dito si Engr. Casidsid.

Samantala, wala namang naging tugon ang TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority sa kung ano ang magiging disposisyon nila sa nasabing existing out flow.

Magugunita ring nilinaw ng TIEZA na hindi na hindi na nila ito sakop kungdi ng LGU Malay.

Magkaganon paman, ang paggana na lamang umano ng kanilang pumping station ang inaasahang magiging solusyon sa binahang lugar katulad ng D’mall na sakop ng phase 1 ng kanilang proyekto.

Asian Aerospace, gustong magsagawa ng kanilang operasyon sa Boracay

Posted July 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

www.aerospace.techonology.com
Nais magsagawa ng kanilang operasyon ang Asian Aerospace Corporation sa isla ng Boracay sa pamamagitan ng kanilang air ambulance, helicopter.

Ito ay may kaugnayan sa isasagawang Asia Pacific Economic Corporation (APEC) Summit sa Boracay ngayong darating na 2015.

Nabatid na isang air ambulance, helicopter charters at airport transfer ang nais na isagawa ng nasabing kumpanya para sa mas mabilis na pag-respondi sa oras ng emergency.

Samantala, iprinisinta na rin ng Aerospace ang kanilang mga dokumento sa SB Malay matapos ang isinagawang committee hearing tungkol dito.

Bago naman ito sang-ayunan ng local body nais muna nilang makita ang sulat o kasunduan mula sa nasabing kumpanya at sa isang resort sa Boracay na siyang gagamiting paliparan ng helicopter sa operasyon.

Bagamat marami pa itong pagdadaanan nakikita naman ng Local Government Unit ng Malay na malaki ang maitutulong nito sa oras ng emergency.

Sa ngayon isang mabusising pag-aaral pa ang aasahang isasagawa ng mga kinauukulan para dito bago ang tuluyang operasyon sa isla ng Boracay.

Lalaki sa Boracay, tinakasan ang hindi natapos na trabaho matapos makakuha ng bayad

Posted July 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tinakasan ng isang lalaki ang hindi natapos na trabaho matapos makakuha ng sapat na bayad mula sa kaniyang amo.

Basi sa report ng Boracay PNP, inirereklamo ni Mary Ann Contreras, 46-anyos ng Brgy. Manoc-manoc, Malay, Aklan si Arsenio Dagohoy na umano’y nanloko sa kanila.

Ayon kay Contreras nag-hired umano sila ng installation electric motor with pump o deep wheel para sa kanilang tirahan sa nasabing lugar.

Nabatid na matapos umano itong makakuha ng sapat na bayad na nag-kakahalaga ng P34, 000 ay hindi na ito sumipot sa bahay ng mga Contreras para tapusin ang kaniyang trabaho.

Sinubukan naman ng mga ito na kontakin ang cellphone number ni Dagohoy ngunit bigo silang matuntun ito.

Incidental deposit ng isang guest na nagkakahalaga ng mahigit P82, 000 tinangay ng isang empleyado sa resort

Posted July 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tinagay ng isang empleyado ng isang resort sa Boracay ang incidental deposit ng kanilang guest na nagkakahalaga ng P82, 000.

Basi sa report ng Boracay PNP, kinilala ang inirereklamong si Christy Estinor, 26-anyos ng Brgy. Calumpang, Bocana, Ilog, Negros Occidental at isang Front Office Supervisor.

Nadiskobrehan na itong si Estinor ay nilisan ang kaniyang inuupahang boardinghouse dala lahat ang kaniyang gamit kabilang ang incidental deposit at susi sa safety deposit box.

Nabatid na hindi na rin ma-contact ng naturang resort ang cellphone number ng inirereklamo.

Napag-alaman din na itong si Christy ay sakay na pala ng isang Ferry mula sa Caticlan Jetty Port papuntang  Batanggas kasama ang kaniyang asawa at anak.

Samantala, nagpapatuloy naman ang isinasagawang embestigasyon ng pulisya at ng resort para matuntun ang kinaruruunan ng inirereklamo.

P200 Million, ipinasa ng SP Aklan bilang 2014 supplemental budget ng probinsya

Posted July 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inaprubahan na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang supplemental budget ng probinsya para taong 2014.

Sa pamamagitan ng Ordinance No. 001, Series of 2014, nilagdaan nitong 22nd SP Regular Session ang P200 million na pondo para sa iba’t-ibang mga proyektong pam-imprastraktura at pagbili ng iba pang kagamitan.

Nabatid na sa pagpasa nito sa SP Aklan ay inendorso ni Governor Joeben Miraflores na kumuha ng pondo sa nalikom na loan mula sa Land Bank of the Philippines (LBP).

Kaugnay nito, pagkatapos ng mahabang talakayan, hinati ni Vice Governor Gabrielle Calizo-Quimpo ang konseho, kung saan pumasa ito sa boto na 9-1.

Samantala, ilalaan ang nasabing pondo para sa konstruksiyon ng mga Tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan na P45 milyon, P30 milyon para sa Construction of Commercial building and Academic Center (Phase II), P80 milyon para sa Maintenance/Construction/ dredging Equipment, P25 milyon para sa pagpapabuti ng Capitolyo at Trade Hall Building, at P8 milyon para sa pagpapabuti ng Cagban Terminal Building sa Caticlan.