YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 15, 2014

Problema sa sanitation sa Caticlan public market, muling napag-usapan sa session ng SB Malay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling napag-usapan kahapon sa session ang problema ng sanitation sa Malay Public market sa baranggay Caticlan.

Sinabi kasi ni SB Member Manuel Delos Reyes sa nakaraang SB sesyon na hindi niya nagustuhan ang sitwasyon ng sanitation ng nasabing palengke dahil sa mga nakakalat na basura at sira-sirang mga lamesa at bubong ng mga tindahan.

Dahil dito muli itong naitalakay sa session kahapon kung saan dinaluhan ito ng Environmental Management Specialist Engr. Tresha Lyn Lozanes at Sanitation Inspector na Ma. Lyn Fernandez.

Ito’y para sagutin ang mga tanong SB Malay kung bakit nagkakaroon ng ganitong problema sa tindahan lalo na at ang bayan ng Malay ang siyang first class Municipality sa buong probinsya ng Aklan.

Samantala, kahit may plano umanong ayusin ang Caticlan public market.

Iginiit parin ni SB Member Jupiter Gallenero na dapat paring ayusin ang sanitation nito dahil ito ang pangunahing binibilhan ng pagkain araw-araw.

Nangako naman si Fernandez na mabibigyan ng solusyon ang problemang ipinaabot ni SB Member Manuel Delos Reyes kaugnay sa sanitation ng Caticlan Public Market. 

OJT Students sa Boracay, ninakawan ng pera at mga gamit

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dalawang OJT Students ang humingi ng tulong sa Boracay PNP Station matapos ninakawan sa kanilang tinutuluyang Boarding House sa Brgy. Balabag Boracay.

Nakilala ang mga biktima na sina Cherry Tan Rey at Liza Camasis Tariman residente lahat ng Camarines Sur at nag-o-OJT sa isang travel agency dito sa isla.

Ayon sa report ng Boracay PNP, alas- sais kaninang umaga nang madiskobre ng mga biktima na nawawala na ang kanilang mga mahahalagang gamit tulad ng havainas na tsinelas, P1,000 at limang US dollars ganundin ang dalwang flash drives at ilang accessories.

Natuklasan din umano ng mga ito na basag na ang jealousy glass sa ground floor ng kanilang tinutuluyan.

Samantala, sa isinagawa namang follow-up investigation kanina.

Napag-alamang sa nasabing jealousy na bintana dumaan ang mga suspek at saka dumiretso sa 2nd floor para nakawin ang mga gamit doon.

Dahil sa hindi umano naka-locked ang sliding door, napadali ang operasyon ng mga magnanakaw dito.

Samantala, ayon naman sa may-ari ng isang tindahan malapit doon, may nakita umano itong dalawang bystanders o tumatambay malapit rin sa lugar bago ang nasabing insidente.

Patuloy naman sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para sa nasabing kaso.

Fiesta de Obreros ng Malay, grand champion sa Street Dancing at Ground Presentation sa “One Town, One Festival” sa Kalibo

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

"One Town, One Festival"
is one of the highlight of
Kalibo Sr. Sto Niño
Ati-Atihan Festival 2014

Grand champion sa street dancing at ground presentation ang Fiesta de Obreros ng Malay sa Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival.

Bagay na ipinaabot ng LGU Malay sa pangunguna ni SB Member Rowen Aguirre ang pagbati sa mga Malaynon na lumahok sa nasabing kumpitisyon.

Ang street dancing at ground presentation na tina
wag ding “One Town One Festival ay isa sa mga tampok na aktibidad sa Kalibo Sto. Ati-Atihan na nagpapakita ng ibat-ibang kulay at cultural diversity sa kapistahan sa mga bayan sa Aklan.

Nabatid na sa street dancing category, idiniklara bilang first runner-up at nakatanggap ng P7, 000 ang Panagat Festival ng Buruanga,  habang second runner-up naman at nakatanggap ng P5, 000 ang Bariw Festival ng Nabas.

Ang Fiesta de Obreros ng Malay ang nanalo bilang grand champion at nakatanggap ng P10,000 at P15,000 para sa street dancing at ground presentation.

Para naman sa pangalawang presentasyon, ang second place ay napunta sa Saguibin Festival ng bayan ng Banga at tumanggap ng P10,000, habang ang Pascua sa Malinao festival ang naging third place at tumanggap din ng cash prize na P7,000. 

Kabilang pa sa mga kasaling festival ay ang bayan ng Ibajay na Ati-Ati Festival, Litson Festival ng Numancia at Enchanting ng bayan ng Balete na tumanggap ng Consolation prizes na P2,500.

Ordinansang nag-aamyenda sa regulasyon ng Reef walker o helmet diving sa Boracay, pag-aaralan ng SB Malay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pag-aaralan ng SB Malay ang ordinansang nag-aamyenda sa operasyon ng Reef walker o Helmet Diving Activity sa bayan ng Malay partikular sa isla ng Boracay.

Ito ay base sa order of business na tinalakay sa Malay SB Session kaninang umaga partikular sa kanilang incoming and referrals.

Base sa nilalaman ng ordinansa magtatalaga ng area ng operasyon para dito at nag-uutos na bigyan ng parusa ang mga lalabag sa nasabing batas.

Para naman mapag-aralan ito, mas minabuti na ipasa ni Malay Vice mayor Wilbec Gelito kay Chairman on Committee on Laws SB Member Rowen Aguirre ang pagsasabatas ng nasabing usapin.

Samantala, sa darating na Martes ay inaasahang muling tatalakayin sa Session ang nasabing ordinansa o Municipal Ordinance No. 314, series of 2012.

Napag-alaman na isa sa mga sikat na water sports activities sa bayan ng Malay at isla ng Boracay ang Reefwalker o helmet diving.

Tuesday, January 14, 2014

Kalibo Aklan, abala na sa nalalapit na Ati-Atihan Festival

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Abala na ngayon ang mga pangunahing lugar at mga kalsadahin sa bayan ng Kalibo para sa selebrasyon ng Ati-Atihan Festival sa Linggo.

Katunayan, sa kabila ng malakas na buhos ng ulan sa ginanap na Aklan Festival Parade kahapon ay dagsa parin ang mga tao at bisita para panoorin ito.

Samantala, nabatid naman na ilan pa sa mga sikat at bigating artista ng isang malaking network sa bansa ay magbibigay kasiyahan mamayang gabi sa Kalibo Pastrana Park.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang mahigpit na seguridad sa nasabing bayan para mapanatiling matiwasay ang selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan.

Nagsimula ang Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival noong January 10 at magtatapos sa January 19, 2014.