YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label Merlita Ninang. Show all posts
Showing posts with label Merlita Ninang. Show all posts

Tuesday, June 28, 2011

DENR Boracay, hindi nababahala sa kinasasangkutang kaso sa reklamasyon

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Tila hindi apektado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Boracay sa kasong kinahaharap nito sa makontrobersyal na reklamasyon sa Caticlan.

Ayon kay CENRO Officer Merlita Ninang, hindi naman sila sa DENR ang nagbigay ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa reklamasyong ito, kundi ang Environmental Management Board (EMB) na si Director Cabanaya.

Dagdag pa nito na kahit ang DENR-EMB sa Regional Office ang nagbigay ng ECC ay may magkahiwalay na tangapan naman ang DENR-CENRO dito.

Kaya’t  nilinaw nito na wala silang kontrol pagdating sa ganitong proyekto, maliban sa Regional Office.

Gayun paman sinabi ni Ninang na sa ECC na ibinigay ng EMB ay ang obligasyon nila ang magsagawa din ng buwanang pagmonitor sa proyekto upang masiguro na nasusunod nga ang nilalaman ng sertipikasyong ito.

Kampante naman ito sa nasabing usapin, dahil aniya’y nasa magkaibang tanggapan naman sila ng EMB.

Tuesday, May 10, 2011

Ninang, “no comment” sa kinasasangkutan ni dating Boracay CENRO Officer Aborka


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Magalang na humihingi ng pang-unawa si Boracay CENRO Officer Merlita Ninang sa pag-distansya nito tungkol sa usapin ng imbestigasyon na kinasasangkutan ng ilang opisyal ng DENR sa isla at maging ng probinsyal na siyang naging instrumento upang maglabas ng tatlumpu’t-isang titulo ng mga aplikante ng lupa sa Boracay.

Kaugnay nito, tumanggi muna siyang magbigay ng pahayag hinggil dito dahil hindi pa anya tapos ang imbestigasyon ng Regional at Central Office ukol dito.

Sa kasalukuyan, nasa proseso pa ng pagrerekomenda ang mga tanggapang ito sa kung ano ang dapat at ano ang mangyayari sa inilabas na tatlumpu’t-isang titulo.

Paglilinaw nito, ayaw nitong mapigilan ang desisyon ng opisina nila kaya ayaw muna niyang mag-komento.

Matatandaang nasangkot sa isyung ito ang dating Boracay CENRO Officer na si Merlyn Aborka na isa sa mga sasailalim sa imbestigasyon matapos nitong pumirma sa mga inilabas na tatlumpu’t-isang titulo ng mga aplikante ng lupa sa Boracay.