Inna Carol
Zambrona, NEWS DEPARTMENT
“Kung ano ang Ordinansa yun ang dapat sundin”
CTTO MTRO |
Ito ang sinabi ni Acting Mayor Frolibar Bautista, may
kaugnayan sa ilang mga pulis sa Malay PNP na hindi umano sumusunod sa batas
trapiko.
Nabatid, nag-ugat ang usapin ng mismong ng Malay
Auxiliary Police o MAP ang humuli sa pulis na naka uniporme na hindi umano
nakapag-renew ng permit to transport na dadalo sana sa joint flag ceremony sa
Balabag.
Sa naging panayam kay Bautista, inabisuhan umano nito si
PLTCOL Jonathan Pablito, Chief of Police ng Malay PNP na imbestigahan ang
reklamong natanggap niya kaugnay sa ilang pulis na hindi sumusunod sa ordinansa
ng transportasyon sa Malay.
Sinabi ni Bautista, maliban sa walang permit to transport
ay may sumbong umano sa kanya na pinapasada pa ng mga habal-habal drivers ang
motor ng ilang pulis.
Aniya, inorganisa na ang “bawal ang pasaway” sa isla kaya
dapat sumunod ang lahat sa regulasyon upang walang maging problema.
Kahit miyembro ng MAP at mga nagtatrabaho sa gobyerno,
kung hindi sumusunod sa mga ordinansang ipinatutupad ay dapat hulihin.
Sa hiwalay na panayam, ipinasiguro ni Malay Chief PLTCOL
Jonathan Pablito na suportado niya ang “Bawal ang Pasaway” na programa ng
alkalde at katunayan ay
pina-imbestigahan niya ang naturang akusasyon.
Samantala, ikinalungkot nito ang alegasyon na may
naghahabal-habal na pulis.
Hiling nito na sana ay masunod ang tamang enforcement na
MTRO (Municipal Transportation and Regulatory Office) at LTO Deputized Officer
ang kasama tuwing may operasyon.
Magka-ganunpaman, ayon kay Acting Mayor Fromy Bautista ay
maaaring magbigay ito ng siyam (9) na special permit to transport sa mga pulis
para may magamit ang mga ito tuwing may responde at operasyon.
No comments:
Post a Comment