YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 18, 2019

Traysikel, posibleng hanggang katapusan nalang ng Marso —Acting Mayor Sualog

Posted February 18, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Posibleng hanggang katapusan nalang ng Marso ang lahat ng traysikel na namamasada sa isla ng Boracay.

Ito ang pahayag ni Malay Acting Mayor Abram Sualog sa panayam sa kanya nitong Sabado sa Boracay Good News.

Ani Sualog, “tentative date” ito habang hinihintay nilang ma-facilitate ang donation ng E-trike mula sa Department of Energy at pag-amyenda ng ordinansa sa specification ng E-trike lalo na sa seating capacity.

Bagamat pumasa umano ang E-trike ng DOE sa laki at lapad ay lima lang ang pwedeng isakay nito maliban sa driver taliwas sa 7-9 na seating capacity sa ordinansa.

Dagdag pa ni Sualog, na-delay ang implementasyon ng E-trike Program ng Malay dahil pinagbigyan muna nila ang ilang franchise holder na hindi pa naka-avail ng E-trike.

Ang 180 units na donasyon mula sa DOE ay ipapamahagi sa 250 na franchise holder na wala pang unit ng E-trike sa pamamagitan umano ng “raffle”.

Dahil non-transferable ang franchise, paliwanag ni Sualog, kapag pinalad na mabunot ay mapupunta ito sa naka-pangalan at hindi sa nakabili ng prangkisa.

Samantala, kung matutuloy ang phase-out ng trasyikel sa itinakdang petsa ay magkakaroon ng Deployment Plan ang Sangguniang Bayan ng Malay at DOE sa operasyon o fleet management ng mga units.

No comments:

Post a Comment