YES THE BEST Boracay News -- Aprobado na ang SB
Resolution No. 0034 Series of 2018 o “Resolution Declaring a Moratorium on Building
Constructions in the Island of Boracay”.
Ang anim na buwang moratorium ay nag-umpisa noong March
13, 2018 at magtatapos sa September 13, 2018 ay ibinase sa 6-month action plan
ng LGU-Malay para sa gagawing rehabilitasyon ng isla.
Ito na rin ang kanilang tugon sa panawagan ni
Pangulong Duterte para maresolba ang lahat ng suliranin ng Boracay lalo pa at
ito ngayon ay isa ng “national concern”.
Maliban dito, ang moratorium din umano ang solusyon sa
lumalalang problema sa kalikasan para mabigyan ng angkop na panahon at matingan
ang kapasidad ng isla sa usaping over-development, solid waste management, at
migration.
Samantala, may probisyon sa resolusyon na pwedeng payagan
na magpatayo ng istraktura sa moratorium period kung ang gusali ay proyekto ng
gobyerno o di-kaya ay pagkukumpuni ng mga opisina at gusali sa kumonidad.
Pahihintulutan din umano na magtayo ng gusali o
istraktura sa kondisyon na dapat ay compliant sa environmental laws lalo na sa
wetlands, forestlands, easements, at road widening.
Ang pagdeklara ng “Moratorium” ay ibinase sa Republic Act
No. 7160 ng Local Government Code na may kapangyarihan ang LGU na gagawin ito
kung kinakailangan para sa kapakanan ng nakakarami.
No comments:
Post a Comment