Posted January 10, 2018
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Phote Credit: Boracay PNP |
Patuloy ngayon ang ginagawang monitoring ng Boracay Tourist Assistance Center, Municipal Auxiliary Police
(MAP) at Boracay Beach Guards sa mga gumagawa ng sand castle pagkatapos ng magkasunod
na mga araw na operasyon sa pag-regulate ng nabanggit na atraksyon sa beachline
ng Boracay.
Nag-ugat ang pagpatupad ng Municipal Ordinance Number 246
series of 2007" o An Ordinance Regulating Sand Castle Making pagkatapos ng
mga sumbong at reklamong pang-aabuso sa mga turistang kumukuha ng litrato ng mga
sand castle boys.
Ayon kay Municipal Advisory Council Member Vicky
Aguirre-Salem, mismong siya ay nakasaksi sa panlolokong ginagawang sand castle
maker kung saan nang siya ay dumaan sa dalampasigan ay narinig niya ang magnobyong
turista na nakikipagdiskusyon sa gumagawa ng sand castle.
Nabatid kase na pinipilit ng mga sand castle boys na bumayad
ang turista dahil kinuhaan umano nila ito ng litrato dahilan at pinuna naman ito
ni Salem sabay paalala na ipapadampot ang mga ito sa pulis kung patuloy nila itong
i-harass.
Iginiit nito na ang mga kahalintulad na pangyayari ay
dapat aksyunan at dapat-i-implementa ang ordinansa para hindi maabusong ilang
sand castle artist.
Kaugnay nito, mensahe naman ni Salem na sumunod ang mga gumagawa
ng sand castle sa mga regulasyon na ipinapatupad at tulungang i-preserve ang isla
ng Boracay.
Ang Municipal Advisory Council ay binubuong mga representante
mula sa iba’t-ibang sector na siyang katuwang ng Boracay PNP sa ilalim ng PNP
P.A.T.R.O.L PLAN 2030.
Samantala, nakapaloob sa ordinansa na bawal ang paggawang
sand castle sa beach front lalung-lalo na kung ito’y malalaki, ginagawang pangkomersyal
o pinagkakaperahan at kung sinuman ang lalabag sa nasabing ordinansa ay
mahaharap sa kaukulang penalidad.
Pinapayagan naman ang sand castle making kung may kaukulang
permit at kung may mahahalagang okasyon.
No comments:
Post a Comment