Posted August 6, 2018
Isanggroundbreaking ceremony ang isinagawa nitong Sabado
para pormal na i-anunsyo ang pagtatayo ng bagong opisina ng Land Transportation
Office o LTO sa Sitio Bacolod Caticlan sa bayan ng Malay.
Ang seremonya ay pinangunahan ni LTO-6 Asst Regional
Director Atty. Gaudioso Geduspan na dinaluhan nina Aklan Congressman Carlito
Marquez at ni Malay Administartor Ed Sancho.
Ang itatayong opisina ayon kay Geduspan ay malaking
tulong para mapadali ang pag-proseso ng mga dokumento ng mga sasakyan at
papeles ng mga drivers na hindi na kailangan pang pumunta ng Kalibo.
Aniya, ang bayan ng Ibajay, Nabas, Malay, Buruanga, mga
taga-Antique at iba pang lugar na gustong mag-proseso ay pwedeng tanggapin oras
na matapos ang itatayong gusali.
Ikinatuwa rin ni Cong. Carlito Marquez ang inisyatibong
ito na aniya ay napapanahon ang paglalagay ng LTO satellite office para
mapagsilbihan ang kalapit na lugar dahil sa dumaraming tao at lumalagong
ekonomiya ng probinsya.
Samantala, pinasalamatan din ni LGU-Malay Executive
Assistant V Eduardo Sancho ang may-ari ng lupa at si Atty. Rey Traje ng
(Traje-Panado-Wacan) Group Inc. dahil sa naisakatuparan ang proyektong ito.
Saksi rin sa ground breaking ceremony sina SP Member
Nemesio Neron, Acting Chief LTO Kalibo Eng. Marlon Villes, LTO 6 Legal Officer
Alan Sacramento at iba pa.
Ang nasa 1,200 sq. m. lawak ng pagtatayuan ay posible
umanong matatapos ang construction bago ang re-opening ng isla.
#YesTheBestBoracayNEWS
No comments:
Post a Comment