Posted February 2, 2018
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Ito ang pahayag ni Malay Transportation Officer Cesar
Oczon sa mga hindi sumusunod sa ordinansa lalo na sa pagkuha ng Permit to
Transport ng mga nasa loob ng isla ng Boracay.
Ayon sa kanya, regular ang hulihan na ginagawa ng mga enforcers
subalit sa ngayon ay mas laganap at nakaka-alarma na ang pagbabyahe at
pagtatawid ng mga sasakyang walang kaukulang dokumento.
Nitong mga nakalipas na araw katuwang ang mga kinatawan
ng pulisya, Malay Auxilliary Police at Barangay Tanod, hinarang at na-impound
ang mga nasa 28 motorsiklong walang PTP.
Dagdag pa ni Oczon, dire-diretso na ang operasyon na ito
dahil masikip na ang isla ng Boracay.
Sa katanuyan ay nagpaaabot ng sulat si Oczon kay Mayor
Ceciron Cawaling ukol sa pagpapatupad ng Municipal Traffic Code na inaprubahan
naman ng huli.
Sa ngayon, naka-pokus ang MTO sa mga walang permit at
hindi pa nakapag-renew ng PTP na itatapon pabalik sa Mainland kung saan sa
susunod na linggo naman ang iba pang mga paglabag sa usaping transportasyon
tulad ng mga traysikel na kulurom.
No comments:
Post a Comment