Posted October 19, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay
Handang-handa na ang Philippine Red Cross Boracay-Malay
Chapter sa gaganaping Nationwide Million Volunteer Run 4 ngayong Sabado October
21.
Sa panayam kay OIC PRC Malay-Boracay Chapter Ronaliza
Inocencio, itong Million Volunteer Run sa Boracay ay magsisimula sa Station 2
Nigi-Nigi, Beach Resort papunta sa Station 1 beach area ng alas-5 ng umaga.
Dahil sa isa ito sa nag-markang aktibidad ng PRC,
puspusan ngayon ang kampanya nila para magpa-rehistro at maging bahagi ng
Million Volunteer Run.
Ani pa ni Inocencio, ang mga sumali dito ay may isang
taon na Accidental Insurance kung saan ang malilikom na pondo sa kanilang
registration ay mapupunta sa mga mangangailangan ng dugo lalo pa at malapit ng
matapos ang Blood Collecting Unit ng chapter.
Ayon pa kay Inocencio na ang naturang Volunteer Run ay
hindi umano competitive run o fun run sapagkat ito ay isang humanitarian run.
Samantala, inaasahan ding lalahok sa takbuhan ang mga
kawani ng ibat-ibang Government Agencies, Department of Education, mga
estudyante at pribadong sektor sa bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment