Posted August 14, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Dalawang
magkakahiwalay na kaso ng pagnanakaw ang naitala matapos nagparekord ang turistang
magkasintahang Malaysian at isang Chinese national sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
Ayon sa blotter
report, unang naitala ang reklamo ng isang lalaking Chinese na si He Bin matapos umano itong ninakawan sa
loob ng kanyang kwartong inuupahan sa Sitio Angol, Brgy. ManocManoc, Boracay.
Kwento ng
biktima, nagising nalang umano itong nawawala na ang kanyang cellphone, 200 US
dollar, P 4, 000 at iba pang kagamitan sa loob ng kanyang kwarto.
Dagdag pa ng
biktima nagpamasahe umano ito bago nangyari ang insedente at nang natapos na
ito ay nakalimutan niyang i-lock ang pinto at nakatulog.
Dahil dito, hindi
makapaniwala si Bin na pagnanakawan siya sa loob ng kanyang kwarto kung saan
sinubukan niya pa sana itong hanapin pero bigo siyang makita ang kanyang mga
kagamitan at pera.
Patuloy ang
imbestigasyon ng mga pulis sa pinangyarihan ng insedente.
Samantala, isa
namang 28-anyos na lalaki ang kulong sa lock-up-cell ng BTAC matapos umano
itong mahuling kinuha ang bag ng babaeng Malaysian National.
Kinilala ang
magkasintahang biktima na sina Tan Pin Yin, 27-anyos at Liew Sim Yee, 21-anyos.
Naaresto ang
suspek na si Romier Valerio y John ng Kalibo ng Boracay PNP sa
pakikipagtulungan ng Malay Auxiliary Police (MAP) ng maaktuhan itong sisnisikwat
ang bag ni Yee.
Dahil sa
pangyayari, humingi agad ng tulong itong MAP sa kanyang dalawang kasamahan para
mahuli itong si Valerio kung saan ng maabot nila ito, narecover nila sa biktima
ang kinuha nitong bag ni Yee.
Naglalaman ang
naturang bag ng dalawang cellphone, passport at cash na mahigit P 12, 000.
Si Valerio ay
dinala sa himpilan ng Boracay PNP at pending for proper disposition sa kanyang
ginawang krimen.
No comments:
Post a Comment