Posted August 1, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Ayon kay SPO1 Ernesto Lomida ng Malay PNP, bukas umano Miyerkules
August 2 ay magtitipun-tipon ang mga drug surrenderee sa Coverd Court ng Malay para
sa isang programa.
Magiging bisita naman dito sina APPO OIC PSUPT. Lope
Manlapaz, Malay Mayor Ceciron Cawaling, Barangay Anti-Drug Abuse Council o
(BADAC) Barangay Officials at kapulisan ng Malay PNP.
Ani Lumida, layunin nitong ipaliwanag sa mga surrenderee
ang kanilang mga gagawin at isa na nga dito ay ang pagsasailalim sa mga ito sa anim
na buwang rehabilitasyon.
Samantala, itong programa ay may temang “Ginahandom ta:
Pagbag-o it Kasimanwa”.
Nabatid ang Oplan Double Barrel-Reloaded ay pinangungunahan
ng mga hepe ng pulisya kasama ang mga Barangay Chairman sa pagkatok sa bahay ng
mga drug personalities upang kumbinsihin
ang mga itong sumuko sa batas at sumailalim sa
rehabilitasyon.
No comments:
Post a Comment