Posted October 3, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Inumpisahan na ang pagpapatupad ng gun ban at pagsagawa
ng checkpoint sa unag araw ng Octubre
basi sa ipilabas na memorandum ng COMELEC.
Sa panayam ng himpilang ito kay Malay Comelec Election
Officer II Elma Cahilig, wala naman
umanong naitalang nahuli sa isinagawa nilang checkpoint sa Caticlan.
Kaugnay nito, nagsagawa rin ng Checkpoint sa isla ng
Boracay sa unang araw ng Oktubre pati na rin sa Sition Lugutan, ManocManoc kung
saan wala namang naitalang lumabag.
Ayon pa kay Cahilig, magtatagal ang implementasyon
hanngang sa Ika-30 ng Oktubre habang inaantay pa ang pirma ni Pangulong Duterte
kung itutuloy ang Barangay Election.
Napag-alamang ang pagsisimula ng election ban at checkpoints
ay sabay-sabay na isinagawa nationwide.
Samantala, pinapaalala rin ni Cahilig na tuloy ang filing
ng Certificate of Candidacy at mag-uumpisa sa Oktubre 5 hanggang Oktubre 11
mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon hanggang sa hindi pa
naisasabatas ang pagkansela ng Barangay at SK Election.
No comments:
Post a Comment