Posted April 11, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Pinaghahandaan na ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Malay
ang nalalapit na selebrasyon ng “13th Fiesta De Obreros” sa Mayo 1 taong
kasalukuyan.
Ayon kay Malay Tourism Receptionist II at In-charge for
Culture Arts and Special Event Rex Aguirre, wala naman umanong pinagkaiba sa
dating kinagawian ang selebrasyon ng Fiesta De Obreros.
Ani Aguirre, mas pinaganda ito at inaasahan na maraming
bisita ang mga darating sa kanilang schedule na gagawin bago ang naturang
kumpetisyon.
Bagama’t may mga pagsubok man umanong dumating sa
Municipal Tourism Office ay nagawan nila ito ng paraan para matuloy ang
selebrasyong ito na lalahukan ng lahat ng 13 baranggay ng Malay.
Asahan at pakaabangan din umano ang Drum at Lyre
competition ng mga estudyanteng lalahok dito.
Samantala, ang tema naman nila ngayong taon ay “Malipayon
nga pagtrabaho it mga Obrero, Tagipusuon, Puno it Pasaeamat sa Ginuo”.
Ipinagdiriwang ang nasabing kapistahan kasabay ng Araw ng
Manggagawa o Labor Day bilang pagbibigay pugay sa kanilang patron na si St.
Joseph the Worker.
No comments:
Post a Comment