Posted November 9,2016
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Nagpaabot ng mensahe ang Municipal Disaster Risk Reduction
and Management Office (MDRRMO) at LGU, ukol sa aksidenteng nangyari noong
sabado sa Sitio Ayala, Brgy. Yapak, Boracay.
Ayon kay Executive Assistant Rowen Aguirre ng Office of
the Mayor iimbitahan nila ang AKELCO patungkol sa mga gagawin upang maayos ang
mga live wire hindi lamang sa Brgy. Yapak kundi pati na rin sa ibang barangay.
Itong hakbang ng LGU ay ayon daw sa kautusan ni Mayor
Cawaling.
Samantala, sinisimulan na ng MDRRMO at LGU ang pag-iikot
para sa mga mamamayan ng Boracay upang magbigay ng kaalaman patungkol sa mga
gagawing preparasyon sakaling may sakunang mangyari.
No comments:
Post a Comment