Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit Jack Jarilla |
Ito’y dahil sa isang linggong walang pasok ang ibang
manggagawa sa Manila gayon din ang mga estudyante bunsod ng nagpapatuloy na
APEC meeting.
Karamihan naman ngayon sa mga turista sa isla ay mga
local tourist na piniling magbakasyon sa Boracay kaysa manatili sa kanilang mga
tahanan habang ginaganap ang APEC gayon din ang nararanasang matinding trapik
sa Metro Manila.
Kasabay nito unti-unti na ring bumubuhos ang mga foreign
tourist sa Boracay dahil sa papasok na ang peak season kung saan inaasahang
dodoble pa ang bilang nito pagpasok ng buwan ng Disyembre para sa Holiday
season.
Samantala, todo bantay naman sa seguridad sa isla ang
Boracay PNP kasama ang iba pang mga Law Enforcers habang mahigpit naman ang
pagpapatupad ng Philippine Coastguard sa operasyon ng mga bangka sa isla.
No comments:
Post a Comment