Posted January 1, 2015
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umabot sa lima ang naitalang biktima ng paputok ng
Aklan Provincial Health Office (PHO) sa pagsalubong ng bagong taon kagabi.
Tatlo rito ang nabiktima ng kwitis na mula sa bayan
ng New Washington at Bayan ng Kalibo at isa naman ang nabiktima ng piccolo at
isa rin sa kamara.
Bagamat mababa ang bilang kumpara noong nakaraang
taon hindi parin kampanti rito ang PHO dahil sa nais nila na magkaroon ng zero
casualty ang probinsya pagdating sa mga nabibiktima ng paputok.
Nabatid na simula kagabi at kaninang madaling araw
ay itong lima lang na biktima ang dinala sa Provincial Hospital dahil sa mga
tinamong sugat sa ibat-ibang parti ng kanilang katawan.
Nanininawala naman ang mga health officials at
otoridad na ang patuloy nilang kumpanya laban sa pagbabawal ng paggamit ng
paputok ang dahilan ng mababang bilang nito.
Sa kabilang banda kasabay ng pagpasok ng 2015
kaninang hating gabi ay kasabay din ng pagbuhos ng malakas na ulan kung saan
mangilan ngilan lang din ang nagpaputok.
Ngunit kahit maulan, masaya parin at mapayapang
sinalubong ng mga Aklanon ang pagpasok ng bagong taon sa kani-kanilang tahanan.
No comments:
Post a Comment