Apat pa sa pitong disco bar sa Boracay ang hindi pa sumusunod sa ipinapatupad na bar enclosure ng lokal na pamahalaan ng Malay sa isla.
Ito ang nabatid mula kay Island Administrator Glenn SacapaƱo sa panayam dito.
Aniya, sa kasalukuyan ay umabot na sila ng pangalawang paalala, o nakapagbigay na sila ng ikawalawang notice sa mga bar na ito.
Matatandaang ang nakasaad sa ordinansa ay kapag sumapit o umabot na sa ika-tatlong notice, awtomatik na gagawa na sila ng rekomendasyon para sa pagpapasara ng bar na lumabag.
Samantala, gayong ang disco bar ang punterya ng lokal na pamahalaan ng Malay para mabawasan ang malalakas na ingay na dala mga establishment, hindi umano kasama sa bar enclosure na ito ang sariling bar ng mga hotel at resort.
Pero dapat pa rin aniyang limitado lang din ang lakas ng kanilang tugtog.
Kaugnay naman sa mga nagpapatugtog sa vegetation area gaya ng banda at acoustic, hindi rin umano sila saklaw ayon kay SacapaƱo, pero dapat hanggang alas dose lang din ang operasyon ng mga ito.
No comments:
Post a Comment